Nag f-fanmail sa mga taong nakapaloob sa inbox ko. I notice, may nag deactivate na ng accounts nila. Ohh. Tumblr is not the same for the last 3 years. I miss the old tumblr… :’(

Hindi ako mahilig mag greet ng happy birthday sa mga nakapost sa Facebook. Ngayon lang. This very moment lang. :D
Nawalan ako ng wallet kahapon.
Gumala ako kasama si Chares at Levyl together with her boyfriend.
Hindi ko namalayan na wala na pala wallet ko. Nandoon pa naman ang ID ko nung high school, ATM ko, at higit sa lahat family picture. May lamang 360+ yung wallet kong yun. Sana makonsensya ang dumukot ng wallet kong yun. May mga papel pa naman akong tinago doon.
Kung pera lang ang pag uusapan, kahit mahirap mag ipon. Mag iipon ako ulit. And this time hindi na malapad na wallet hihingin ko kundi coin purse na pwedeng ipasok sa bulsa kahit anong oras. Anlaki kasi ng wallet para sa bulsa ko ipasok.
Sana kung sino man ang nakakuha ng wallet kong yun.. makonsensya at iuwi yung mga mahahalagang bagay doon kahit ‘wag na yung pera. Okay lang sa ‘kin. :)